Sa kasalukuyan, ang ating bansa at ang buong daigdig ay nahaharap sa maraming isyu at suliraning nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Layunin ng yunit na ito na matulungan ang mga mag-aaral na maunawaan at maipaliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu. Matatanto nila ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa kaninlang sariling pamayanan at sa buong mundo. Magaganyak silang pag-aralan ang mga suliraning hinaharap ng ating bansa at ng mundo.